Tuesday, January 24, 2012

Ito Ako @38

1. Ped ang tawag sa akin ng mga kasamahan sa trabaho at estudyante, jun ng mga kaibigan, jun-jun ng mga kamag-anak, nongnong ng mga pamangkin.

2. Mahilig kumain ng spaghetti, cake, ice cream at chocolate.

3. Action, sci-fi at horror ang mga tema ng pelikula na gusto kong panuorin.

4. Favorite color ko ay blue pero mas marami akong black t-shirt (puro kasi itim ang mga t-shirt sa CoE dept).

5. Tilapia, dalagang bukid, galunggong at tuyo ang mga isda na kinakain ko.

6. Adik sa kape.

7. Mahilig magcollect ng kahit ano.

8. Gusto magtravel kahit saan (basta may budget).

9. Paborito kong lagyan ng ketsup ang frosty ng Wendys.

10. Halos lahat ng meron sa Chowking eh natikman ko na.

11. Motto ko ang kumain ng mga bawal sa asthma at iba pa kasi may gamot naman.

12. Mas ok sa akin ang magluto, maglaba at magplantsa kesa maglinis ng bahay.

13. Suplado at masungit para sa ibang hindi kilala.

14. Hindi pala imik kahit sa bahay. Kung hindi mo ako kakausapin hindi rin kita kakausapin.

15. Pag hindi kita trip batiin at kausapin hindi kita talaga papansinin.

16. Perfectionist (daw).

17. Sa isang taon at least isang libro ang nabasa ko ng buo.

18. Mahilig ako mag-alaga ng isda. Sa sobrang curious ko nung 5 yrs old ako eh inoperahan ko yung goldfish ko.

19. Nangarap maging doktor/pari nung musmos pa. Kumuha ng kursong Computer Engineering, programmer ang unang trabaho at ngayon ay isang guro.

20. Ayaw ko ng meron akong utang.

21. Hindi ko gusto yung maglalakad ako mag-isa sa gitna ng maraming tao.

22. Gusto ko ang mga bata, hindi batang isip.

23. Ayaw ko sa taong makulit.

24. Gusto ko pag nagbasa ng pocketbooks, kaya hindi kakain or walang istorbo, matapos agad.

25. Bihira pero matindi magalit (nung elementary sinakal ko yung naka-away ko).

26. Pag tinopak magpunta ng mall eh isang set kung bumili para sa sarili (damit, undershirt, pantalon, underwear, medyas at sapatos).

27. Pusoy Dos, Tong-its, Lucky 9, Pekwa, 41, Pusoy, Sabong at Mahjong ang mga sugal na alam ko.

28. Mahilig akong manuod ng cartoons.

28. Volleyball ang physical sports na sumasali ako.

29. Ayaw ko na ginagalaw ang mga gamit ko kahit magulo kasi mabilis kong makikita ang hinahanap ko kahit hindi iyon nakaayos.

30. Nakikita ko ang mga hindi nakikita ng iba.

31. Hindi ako komportable kapag nagrarush ng mga dapat gawin.

32. Mas gusto ko yung taong may pagkukusa kesa sa mga taong kailangang utusan muna bago kumilos.

33. Hindi masyado ang pagkagusto sa computer games.

34. Mahina ang tolerance sa beer.

35. Pagsusulat ang iba ko pang hilig.

36. Hindi palasagot kapag napapagalitan ng magulang.

37. Hindi nasanay kumain ng agahan.

38. Single at walang iniintindi.