Friday, December 24, 2010

Ano nga ba ang diwa ng Pasko?

Ano nga ba ang dahilan kung bakit natin ipinagdiriwang ang kapaskuhan?

Marami sa mga kabataan ang araw ng pasko ay party, regalo, Santa Claus, Christmas tree, Ninong/Ninang at iba pang mga materyal na bagay. Iba na nga ang takbo ng panahon. Kasabay ng makabagong teknolohiya gaya ng internet, ipod, mp5, psp, celphone, computer games at iba pa, makabago na rin ang pananaw ng karamihan sa pasko.

Ang pasko ay simbolo ng pagpapakumbaba at payak na pamumuhay. Ito ay araw kung saan ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ng Sanggol na syang ating Panginoon at Manunubos. Pasasalamat ang ating dapat ipakita at ipadama sa bawat isa. Sumasagisag din ito na tayo’y hindi nag-iisa sa ating mga kasiyahan at kalungkutan sapagkat palaging nasa atin ang Diyos.

Nawa’y sa araw na ito ay magkaroon tayo ng kapayapaan at tunay na pagmamahal sa bawat isa.

Maligayang Pasko sa ating lahat. Ipagdiwang natin ang kaarawan ng ating Panginoon sa piling ng ating mga mahal sa buhay.

4 comments:

Unknown said...

The day where we truly leave behind almost everything negative..

Masaya isipin na atleast once a year, nagkakaisa ang buong mundo..

Jun said...

oo nga ang pasko ay ilan lamang sa mga okasyon kung saan ang lahat ay nakikiisa sa pagsasaya.

Anonymous said...

Idol ko talaga si Sir Peds. Mabait yan si Sir Peds. Laging namimigay sa mga kapuspalad gaya ko. Kaya mamimigay yan si Sir Peds sa pasukan ng papasko kahit late na. Ganun kabait si Sir Peds.

Wag po natin kalimutan na hindi magkakaroon ng Pasko, at mga related na mga bagay at events kung hindi po pinanganak si Jesus Christ, which is really the true essence of Christmas.

Merry Christmas po Sir Tenerife at sa lahat ng babasa nito :))

-iKRAM

parl said...

For some, Christmas is all about celebrating - parties here and there. "Celebration" is not the term for the way we spent Christmas last year. It was totally different from the previous years. We united not to rejoice but to grieve for my dearest Lola's death.
At some point, it made me realize that during Christmas, we are not only talking about unity. It is also a thing about Respect.