Ilan na nga ba sa atin ang nangarap ng isang magandang kinabukasan dito sa ating bansa? Isang bansa kung saan tayo ay may kalayaan, masagana, masaya at payapa.
Kung ating susuriin ang mga kaganapan sa ating paligid at sa buong mundo maaaring masabi natin na hindi lamang tayo ang nakararanas ng ganito bagkus mapalad pa tayo sapagkat sanay na tayo sa ganitong kalagayan at kaya nating lagpasan ang lahat ng ito. Subalit pilit ko pa ring hinahanapan ng kasagutan ang ilang katanungang maaring magpabago sa tinatahak nating landas.
Pilipinas san ka patungo kung ang mga namumuno sa ating bayan ay mga lider na nagmula din sa angkan ng mga pulitiko na patuloy na nagsasamantala para sa pansariling interes at hindi sa kapakanan ng bayan?;
Pilipinas san ka patungo kung ang mga musmos ay wala ng kakayahang mangarap at sa halip ay mamuhay na lamang ng mahirap na kanilang nakagisnan sa kanilang paglaki?;
Pilipinas san ka patungo kung ang mga kabataang nagsipagtapos ng pag-aaral ay naghahangad na makipagsapalaran sa ibang bansa upang maghanap ng kaginhawaan sa halip na manatili at linangin ang kanilang karunungang natamo upang maglingkod sa bayan?;
Pilipinas san ka patungo kung ang mga kabataan ay naghahanap ng personalidad na kanilang dapat tularan kaysa umukit ng kanilang sariling pagkakakilanlan?;
Pilipinas san ka patungo kung ang mga propesyunal gaya ng doctor, nars, inhenyero, siyentipiko, guro at iba pa ay mas piniling paglingkuran at pagyamanin ang ibang bansa imbes na tumulong sa pagpapaunlad ng Inang bayan?;
Pilipinas san ka patungo kung ang mga mamamayan na dapat sana’y magkaisa at magsumikap upang ika’y umunlad ay manatiling umaasa ng kaginhawaan sa mga kinauukulan?;
Pilipinas san ka patungo kung ang bawat isa ay walang pakialam at hindi isinasaalang-alang ang kapakanan ng iba sa kanilang mga gawi na maaaring magdulot ng kapahamakan sa nakararami?;
Pilipinas san ka patungo kung ang pamilya na syang pundasyon ng isang bansa ay patuloy na mawawasak bunga ng hindi pagkakaunawaan dahil sa kawalan ng panahon at komunikasyon ang bawat isa?
Marahil ang kasagutan ay nasa bawat isa. Ang pamilya na s’yang may mahalagang papel sa paghubog ng bawat miyembro nito ang dapat bigyan ng pansin at suriin kung nagampanan nga nito ang responsibilidad na kaakibat sa pagbuo nito. Kung ang bawat pamilya at mga kasapi nito ay kikilos ng naaayon sa tama at wasto maaaring bukas makikita natin ang mga pagbabagong ating minimithi. Pilipinas isang bansang payapa, maunlad at masagana.
3 comments:
very philosophical and directive. i just remember na naman yung isa kong post entitled, "my utopia", kung ano ang nakikita nyo sa pilipinas ngayon, yun na yun mismo ang nakita ko rin, hindi ako nagalit kung bakit isinilang ako sa pilipinas o anu pa man., tiningnan ko rin ang pilipinas bilang isang utopia, a perfect creation of ironic complexities... nanjan ang lahat pero may kulang ... magulo pero sa isang banda pwede namang iayos... i hope this post could be publish in eng'g spectrum or in any media. i believe this type of post can move mountains, in short a starting point.... hehehe gudluck on your future endeavors... sana ako rin maging katulad nyung successful...
San nga naman patungo ang ating bansa? Marami rami na din ang mga pinagdaanan ng ating bansa kahit sa mga malalang sitwasyon ay nagawan natin ng itong lagpasan. Ngunit sino ba talaga ang may malaking kontribusyon sa mga nangyayari sa ating bansa?
Sa palagay ko, kasalanan ng lahat ito. Dahil lahat tayo ay nag-iisip ng pansarili lamang. Hindi natin sinasama ang ating bansa sa ating magiging desisyon.
Lahat tayo may dugong Pilipino, lahat tayo may ugaling Pilipino at lahat tayo ay may kinagisnan bilang isang Pilipino. Kinagisnan na siya nating pinagyayaman ito man ay nakakabuti o hindi nakakabuti satin.
Pero kahit na sandamakmak na bagyo, unos, o pighati ang ating maramdaman at maranasan, nahahanapan natin ito ng solusyon at kailanman wala sa bokabularyo natin ang pagsuko.
Masayang maging isang tunay Pilipino ngunit ang pagiging isang bansa ang siyang nakakabahala.
Para sa akin, ang problema ay nasa bawat Pilipinong indibiduwal. Karamihan sa atin ay may mga hangad at layunin sa buhay pero likas sa atin ang pagiging makasarali, at gusto lang natin makita yung maganda sa mata natin. Halimbawa, ang Pilipinas noon ay pangalawa sa pinakamaunlad na bansa. Pero dahil ayaw nila ng pamumuno ng dating presidenteng Marcos sa dahilang mas gusto ng mga Pilipino ng maluwag ng pamamalakad yung pwedeng gawin kahit ano. O gusto nila magawa yung gusto nila ng malaya. Halimbawa, noon kapag ang mentalidad mo ay 'colonial mentality', ipapahuli ka dahil alam ng dating presidente na kapag tumangkilik ang karamihan sa produkto ng ibang bansa, bababa ang ekonomiya pero hindi lingid sa isip ng mga Pilipino yun. Pero sa tingin ko ang pagiging disiplinado ang siyang magpapayaman sa atin gaya noon. Kaya mula nang mawala na si Marcos, ang gobyerno ngayon ay naging tahanan ng mga magnanakaw ng kaban ng bayan, ng mga nagkukunsinte ng mga sumusuway sa batas at ng mga namumuno na sarili lang ang iniisip. Kaya sa ganun klaseng gobyerno bumangon ang mga suliranin gaya ng (1) political dynasty, syempre ang layunin nila ay makakuha ng pera mula sa mga proyekto para sa kanilang sarili, (2) pangingibang bansa ng ilan dahil sa kahirapan buhat ng matataas na bilihin, di tamang pagsweldo at mga proyektong na sana tutulong sa pag-ahon ng ilan, (3) pag-aaway sa loob ng pamilya dahil sa tulad ng kakulangan sa pera, mga pangyayari sa labas ng tahanan at iba pa. (4) mga kabataang may ginagayang ibang personalidad dahil hindi sila nahubog ng kanilang pamilya (5) karahasan dahil likas sa atin na kapag may nakikita tayong masama o mali sa isang lipunan. Kaya hindi rin natin masisisi ang iba kung bakit ganun na lang ang nagagawa nila. Pero kung meron mabuting ehemplo ng kabutihan, katalinuhan, kasipagan, pag-ibig, pagtitiis, at iba pa, baka sakaling ang bansa natin ay umunlad muli. Ayun lang ang masasabi ko. Pero ang mga katanungan sa blog na ito ang magsisilbing palaisipan sa bawat indibiduwal para maisip nila ang mga dapat gawin para magbago
Post a Comment